Mga Tulong sa Pag-aaral
Banal na Kasulatan, Mga


Banal na Kasulatan, Mga

Mga salita, kapwa isinulat at sinabi, ng mga banal na tao ng Diyos kapag pinakikilos ng Espiritu Santo. Ang mga banal na kasulatang itinanghal na opisyal sa Simbahan ngayon ay binubuo ng Biblia, Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan, at Mahalagang Perlas. Isinaalang-alang ni Jesus at ng mga manunulat sa Bagong Tipan ang mga aklat sa Lumang Tipan bilang banal na kasulatan (Mat. 22:29; Juan 5:39; 2 Tim. 3:15; 2 Ped. 1:20–21).

Nawalang mga banal na kasulatan

Maraming banal na sulatin na binanggit sa mga banal na kasulatan na wala tayo ngayon, ang ilan sa mga ito ay mga aklat at manunulat na ito: ang tipan (Ex. 24:7), ang pakikipagbaka ng Panginoon (Blg. 21:14), Jaser (Jos. 10:13; 2 Sam. 1:18), ang mga gawa ni Solomon (1 Hari 11:41), si Samuel na tagakita (1 Cron. 29:29), si Nathan na propeta (2 Cron. 9:29), si Semeias na propeta (2 Cron. 12:15), si Iddo na propeta (2 Cron. 13:22), si Jehu (2 Cron. 20:34), ang mga kasabihan ng mga tagakita (2 Cron. 33:19), si Enoc (Jud. 1:14), at ang mga salita nina Zenok, Neum, at Zenos (1 Ne. 19:10), Zenos (Jac. 5:1), sina Zenok at Ezias (Hel. 8:20), at ang aklat ng alaala (Moi. 6:5); ang mga sulat sa mga taga-Corinto (1 Cor. 5:9), sa mga taga-Efeso (Ef. 3:3), at mula sa Laodicea (Col. 4:16).

Mga banal na kasulatan na dapat pangalagaan

Kahalagahan ng mga banal na kasulatan

Mga banal na kasulatan na iprinopesiyang lalabas