Mga Tulong sa Pag-aaral
Anak na Lalaki ng Kapahamakan, Mga


Anak na Lalaki ng Kapahamakan, Mga

Mga tagasunod ni Satanas na magdurusang kasama siya sa kawalang-hanggan. Kabilang sa mga anak na lalaki ng kapahamakan ang (1) yaong mga sumunod kay Satanas at pinalayas sa kalangitan dahil sa pakikipaglaban noong bago tayo naging mortal, at (2) yaong mga pinahintulutang isilang sa mundong ito na may katawan subalit pinaglingkuran si Satanas at lubusang tumalikod sa Diyos. Yaong mga nasa pangalawang pangkat ay mabubuhay na mag-uli mula sa kamatayan subalit hindi matutubos buhat sa ikalawang (espirituwal) kamatayan at hindi maaaring makapanahanan sa isang kaharian ng kaluwalhatian (D at T 88:32, 35).