Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, 1 Timothy 6


PJS, 1 Kay Timoteo 6:15–16 (ihambing sa 1 Kay Timoteo 6:15–16)

(Yaong may liwanag ng kawalang-kamatayan na nananahan sa kanila ay makikita si Jesus.)

15 Na sa kanyang kapanahunan ay ipahahayag na siya, ang pinagpala at tanging Makapangyarihan, ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon, na sa kanya’y ang kapurihan at kapangyarihang walang hanggan;

16 Na hindi nakita ng sinumang tao, o maaaring makita man, na hindi malalapitan ninuman, maliban sa kanya na ang liwanag at pag-asa ng kawalang-kamatayan ay nananahan.