Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Exodo 4


PJS, Exodo 4:21 (ihambing sa Exodo 4:21; 7:3, 13; 9:12; 10:1, 20, 27; 11:10; 14:4, 8, 17; Deuteronomio 2:30)

(Walang kinalaman ang Panginoon sa katigasan ng puso ni Faraon. Tingnan din sa PJS, Exodo 7:3, 13; 9:12; 10:1, 20, 27; 11:10; 14:4, 8, 17; bawat sanggunian, kapag naisalin nang wasto, ay nagpapakitang tinigasan ni Faraon ang kanyang sariling puso.)

21 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sa iyong pagbabalik sa Egipto, iyong gawin nga sa harapan ni Faraon ang lahat ng yaong kagila-gilalas na bagay, na aking ipinagkatiwala sa iyong kamay, at papagtagumpayin kita; datapwat patitigasin ni Faraon ang kanyang puso, at hindi niya tutulutang lumisan ang mga tao.