Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Genesis 15


PJS, Genesis 15:9–12 (ihambing sa Genesis 15:1–6)

(Nakita ni Abraham sa isang pangitain ang Anak ng Diyos at nalaman ang tungkol sa pagkabuhay na mag-uli.)

9 At sinabi ni Abram, Panginoong Diyos, paano ninyo ibibigay sa akin ang lupaing ito bilang isang walang hanggang mana?

10 At sinabi ng Panginoon, Kahit ikaw ay patay na, gayunman hindi ko ba magagawang ibigay ito sa iyo?

11 At kung ikaw man ay mamatay, gayunman ay aangkinin mo ito, sapagkat darating ang panahon, na ang Anak ng Tao ay mabubuhay; subalit paano siya mabubuhay kung siya ay hindi namatay? siya ay kinakailangan munang mabuhay.

12 At ito ay nangyari na, na tumingin si Abram at nakita ang mga araw ng Anak ng Tao, at nagalak, at ang kanyang kaluluwa ay nakasumpong ng kapahingahan, at naniwala siya sa Panginoon; at ibinilang ito ng Panginoon sa kanya sa kabutihan.