Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Isaias 42


PJS, Isaias 42:19–23 (ihambing sa Isaias 42:19–22)

(Isusugo ng Panginoon ang kanyang tagapaglingkod sa mga yaong bulag.)

19 Sapagkat isusugo ko sa inyo na mga bulag ang aking tagapaglingkod; oo, isang sugo na magmumulat ng mga mata ng mga bulag, at magbubukas ng mga tainga ng mga bingi;

20 At sila ay gagawing ganap sa kabila ng kanilang pagiging bulag, kung sila ay makikinig sa sugo, sa tagapaglingkod ng Panginoon.

21 Kayo ay mga tao na nakakikita ng maraming bagay, subalit wala kayong napupuna; binubuksan ang mga tainga upang makarinig, subalit hindi kayo nakaririnig.

22 Ang Panginoon ay hindi nalulugod sa mga gayong tao, subalit alang-alang sa kanyang katwiran ay dadakilain niya ang batas at gagawin itong marangal.

23 Kayo ay mga taong nanakaw at nasamsam; ang inyong mga kaaway, silang lahat, ay sinilo kayo sa mga hukay, at ikinubli nila kayo sa mga bilangguan; kinuha kayong pinaka-huli, at walang makapagligtas; pinaka-samsam, at walang nagsasabi, Papanumbalikin.