Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Juan 13


PJS, Juan 13:8–10 (ihambing sa Juan 13:8–10)

(Hinugasan ni Jesus ang mga paa ng mga Apostol.)

8 Sinabi ni Pedro sa kanya, Hindi na ninyo kailangang hugasan pa ang aking mga paa. Sinagot siya ni Jesus, Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.

9 Sinabi sa kanya ni Simon Pedro, Panginoon hindi lamang ang aking mga paa, kundi pati ang aking mga kamay at aking ulo.

10 Sinabi ni Jesus sa kanya, Siya na nahugasan ang kanyang mga kamay at ang kanyang ulo, ay hindi na kinakailangan hugasan maliban ang kanyang mga paa, sapagkat malinis nang lubos; at kayo ay malinis na, subalit hindi lahat. Ngayon ito ang kaugalian ng mga Judio sa ilalim ng kanilang batas; samakatwid, ginawa ito ni Jesus upang matupad ang batas.