Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Lucas 17


PJS, Lucas 17:21 (ihambing sa Lucas 17:20–21)

(Ang kaharian ng Diyos ay dumating na.)

21 Ni sasabihin man nila, naririto! o, Naroroon! Sapagkat, masdan, ang kaharian ng Diyos ay dumating na sa inyo.

PJS, Lucas 17:36–40 (ihambing sa Lucas 17:37)

(Ipinaliwanag ni Jesus ang isang talinghaga hinggil sa pagtitipon sa mabubuti.)

36 At sila ay sumagot at sinabi sa kanya, Saan, Panginoon, sila kukunin?

37 At sinabi niya sa kanila, Kung saan man nagtipon ang katawan; o, sa madaling salita, kung saan man nagtipon ang mga banal, doon din naman magkakatipon ang mga uwak; o, doon ang mga nalabi ay sama-samang titipunin.

38 Ito ang kanyang winika, ipinakahuhulugan ang pagtitipon ng kanyang mga banal; at ng mga anghel na bumaba at tinitipon ang mga nalabi sa kanila; ang isa mula sa higaan, ang iba mula sa gilingan, at ang iba mula sa bukid, kung saan man niya naisin.

39 Sapagkat katotohanang magkakaroon ng bagong kalangitan, at ng isang bagong lupa, kung saan mananahan ang kabutihan.

40 At hindi magkakaroon ng maruruming bagay; sapagkat ang mundo na tumanda na, maging tulad ng isang kasuotan, na nabubulok, samakatwid ito ay maglalaho, at ang tuntungan ay mananatiling banal, nalinis mula sa lahat ng kasalanan.