Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Marcos 16


PJS, Marcos 16:3–6 (ihambing sa Marcos 16:4–7; gayon ding mga pagbabago ang ginawa sa Mateo 28:2–8; ihambing sa Lucas 24:2–4)

(Binati ng dalawang anghel ang mga babae sa libingan ng Tagapagligtas.)

3 Subalit nang tumingin sila, nakita nilang naigulong na ang bato, (sapagkat lubha itong napakalaki,) at dalawang anghel ang nakaupo sa ibabaw nito, na nakasuot ng mahahabang puting kasuotan; at sila ay nangatakot.

4 Subalit winika ng mga anghel sa kanila, Huwag kayong mangatakot; hinahanap ninyo si Jesus ng Nazaret, na ipinako sa krus; siya ay nagbangon; wala siya rito; masdan ang dakong kinalagyan nila sa kanya;

5 At magsiyaon kayo, sabihin sa kanyang mga disipulo at kay Pedro, na siya ay mangunguna sa inyo patungo sa Galilea; doon ninyo makikita siya tulad ng sinabi niya sa inyo.

6 At sila, pagpasok sa libingan, ay nakita ang dako kung saan inilagay nila si Jesus.