Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Mateo 16


PJS, Mateo 16:25–26 (ihambing sa Mateo 16:24)

(Ang ibig sabihin ng pariralang “pasanin ang krus ni Jesus” ay tumanggi sa kasamaan.)

25 Nang magkagayon ay sinabi ni Jesus sa kanyang mga disipulo, Kung ang sinumang tao ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang sarili, at pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.

26 At ngayon, ang pasanin ng isang tao ang kanyang krus, ay itanggi sa sarili ang lahat ng masama, at bawat makamundong pagnanasa, at sumunod sa aking mga kautusan.