Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Mateo 26


PJS, Mateo 26:22, 24–25 (ihambing sa Mateo 26:26–29; PJS, Marcos 14:20–25)

(Pinasimulan ni Jesus ang sakramento.)

22 At samantalang sila ay nagsisikain, kumuha si Jesus ng tinapay at pinagputul-putol ito, at binasbasan ito, at ibinigay sa kanyang mga disipulo, at sinabi, Kunin ito, kainin; ito ay bilang pag-alaala sa aking katawan na ibinigay kong pinakapantubos sa inyo.

24 Sapagkat ito ay pag-alaala sa aking dugo ng bagong tipan, na mabubuhos para sa kasindami ng maniniwala sa aking pangalan, para sa kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

25 At ibinibigay ko sa inyo ang isang kautusan, na gawin ninyo ang mga bagay na nakita ninyong ginawa ko, at magpatotoo sa akin maging hanggang sa katapusan.