Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Mateo 7


PJS, Mateo 7:1–2 (ihambing sa Mateo 7:1–2)

(Huwag hahatol nang di makatarungan.)

1 Ngayon ito ang mga salitang itinuro ni Jesus sa kanyang mga disipulo na nararapat nilang sabihin sa mga tao.

2 Huwag hahatol nang di makatarungan, upang huwag kayong hatulan; datapwat humatol nang makatarungan.

PJS, Mateo 7:9–11 (ihambing sa Mateo 7:6)

(Huwag ibahagi ang mga misteryo ng kaharian sa sanlibutan.)

9 Magsihayo sa sanlibutan, na sinasabi sa lahat, Magsipagsisi, sapagkat ang kaharian ng langit ay lumalapit sa inyo.

10 At ang mga misteryo ng kaharian ay inyong ingatan sa inyong sarili; sapagkat hindi nararapat na ibigay sa mga aso ang yaong banal; ni ihagis man ang inyong mga perlas sa mga baboy, at baka yurakan nila ang mga ito sa ilalim ng kanilang mga paa.

11 Sapagkat hindi magagawang tanggapin ng sanlibutan ang yaong kayo mismo, ay hindi pa makakaya; kaya nga huwag ninyong ibigay ang inyong mga perlas sa kanila, at baka magsibalik sila at kayo ay lapain.