Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Mga Awit 24


PJS, Mga Awit 24:7–10 (ihambing sa Mga Awit 24)

(Ipinagbubunyi ng awiting ito ang ikalawang pagparito ni Cristo.)

7 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga salinlahi ni Jacob; at kayo ay mangataas; at ang Panginoong malakas at makapangyarihan; ang Panginoong makapangyarihan sa pakikibaka, na siyang hari ng kaluwalhatian, ay patitibayin kayo magpakailanman.

8 At ibabalumbon niya ang kalangitan; at bababa upang tubusin ang kanyang mga tao; upang bigyan kayo ng walang hanggang pangalan; upang itatag kayo sa kanyang walang hanggang bato.

9 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, O kayong mga salinlahi ni Jacob; itaas ninyo ang inyong mga ulo, kayong mga walang hanggang salinlahi, at ang Panginoon ng mga hukbo, ang hari ng mga hari;

10 Maging ang hari ng kaluwalhatian ay paroroon sa inyo; at tutubusin ang kanyang mga tao, at pagtitibayin sila sa katwiran. Selah.