Mayo 18, 2023

Ang Mga Requirement Para sa Credit sa Seminary ay Magpapalalim sa Pagbabalik-loob ng mga Estudyante kay Jesucristo

Isang binatilyo ang nagbahagi ng mga turo ng mga banal na kasulatan

 


“Ang lahat ng ginagawa natin ay dapat makapagpalalim ng ating pagbabalik-loob kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo dahil Siya ang sagot sa … mga hamon at tanong [ng mga kabataan]” (Chad H Webb, “Messengers of the Good News”).


Ang mga requirement para sa credit sa seminary ay in-update upang mas maiayon ang ating layunin na palalimin ang pagbabalik-loob ng mga estudyante kay Jesucristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo. Dahil ang bawat estudyante ay may iba’t ibang antas ng pag-unawa sa ebanghelyo, katapatan, kakayahan, at suporta ng pamilya, nilayon ng mga in-update na mga requirement na suportahan sila sa kanilang mga sitwasyon sa kasalukuyan.

Sa mga na-update na seminary requirement, babasahin ng mga estudyante ang mga piling talata sa banal na kasulatan, makikibahagi sa mga group learning assessment, at magpapatuloy pa ring dumalo sa seminary tulad ng nakasaad sa ibaba.

Bukod pa rito, hinihikayat ng mga guro ang mga estudyante na magtakda at subaybayan ang mga personal na mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ng mga personal na mithiin ang pagbabasa ng mga nakatalagang kabanata at talata sa Aklat ni Mormon mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin. Dahil sa personal ang mga mithiing ito, ang mga ito ay hindi inirereport ng mga estudyante sa kanilang guro (at ang mga ito ay hindi na sinusubaybayan sa WISE). Maaaring piliin ng mga estudyante na subaybayan ang kanilang mga mithiin sa mySeminary para sa kanilang sariling kapakinabangan.


“Ito ay mangangailangan ng mas personal at indibiduwal na atensyon mula sa mga guro. Madadagdagan ang gawain, ngunit ito ay isang gawaing dapat ikatuwa dahil ang kanilang personal na ministeryo ay kasinghalaga ng kanilang pagtuturo sa klase. Kung magagawa ito ng sinuman, magagawa rin ito ng inyong mga guro. Kahanga-hanga sila” (Pangulong Henry B. Eyring sinipi ni Chad H Webb, “Messengers of the Good News”).


 

Kailan natin ipatutupad ang mga pagbabago?

Mga guro, sumangguni lamang sa inyong supervisor o coordinator para malaman kung kailan ipatutupad ang mga pagbabagong ito.

  • Northern Hemisphere: Bagong school year 2023 gamit ang bagong system functionality.
  • Southern Hemisphere: Bagong school year 2023 gamit ang legacy system functionality o kalagitnaan ng taong 2023 gamit ang bagong system functionality.

 

icon ng banal na kasulatan

Mga Requirement sa Pagbabasa

Kabilang sa mga bagong Seminary Scripture Passages ang halos 60 pahina mula sa aklat ng banal na kasulatan ng kurso (30 pahina para sa bawat tradisyonal na term/semestre). Ang mga talatang ito ay maingat na pinili dahil sa lalim at yaman ng doktrina nito. Dagdag pa rito, ang mga talata mula sa banal na kasulatan ang dapat na pamantayan para sa makeup work para sa mga hindi nagawang requirement sa pagbabasa.

LUMANG REQUIREMENT: Magbasa ng mga banal na kasulatan nang hindi kukulangin sa 75% ng araw ng term.
BAGO: Maghikayat ng mga personal na mithiin. Kailangang basahin ang ilang piling mga talata.

Pagtatala ng pagbabasa sa WISE

  • Ang mga estudyanteng nakakumpleto ng mga piling talata mula sa banal na kasulatan para sa term: “Markahan ang lahat ng Babasahin” na nakumpleto para sa estudyante.
  • Mga estudyanteng hindi nakakumpleto ng kinakailangang pagbabasa para sa term: Ipakita ang mga iniulat na babasahin na mas mababa sa 75%.
  • Tandaan, ang mga mithiin ng mga estudyante ay hindi itinatala sa WISE.

 

Mga Learning Assessment

Sa S&I brodkast nitong Enero 2023, ibinalita ni Brother Webb na “ang learning assessment ay ililipat mula sa isang indibiduwal na assessment tungo sa pagrerebyu ng grupo.” Dahil dito, dapat gawin ng mga guro ang mga sumusunod para sa 2024:

[Mga estudyanteng naroon mismo sa in-class assessment]
Gamitin ang Doctrinal Mastery: Pagrebyu para sa Assessment 1 para sa unang term (o Rebyuhin ang 2 para sa ikalawang term).

  • Ang mga rebyung ito ay nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng kolaborasyon sa pagsasagawa ng assessment.
  • Ipagkakaloob ang credit para sa lahat ng estudyanteng naroon sa assessment.

[Para sa mga estudyanteng hindi nakadalo sa in-class assessment]
Ipakumpleto ang Doctrinal Mastery: Assessment 1 para sa unang term (o Assessment 2 para sa ikalawang term).

  • Ang makeup assessment ay maaaring gawin ng mga estudyante nang mag-isa, kasama ang iba, o kasama ang kanilang guro.
  • Ipagkakaloob ang credit kapag naibalik na sa guro ang assessment.

Magtala ng 100% na score sa WISE para sa mga nakilahok sa group learning assessment at sa mga nagsumite ng makeup assessment.

Para sa bawat kurso sa banal na kasulatan, dalawang assessment review ang kailangan (isa para sa bawat tradisyonal na term/semestre). Ang mga pagrerebyu na ito ay maaaring kailanganing iangkop para sa mga estudyanteng iba ang iskedyul (tulad ng trimester) para matugunan ang mga doctrinal mastery passage na pinag-aralan. Para sa mga tanong kung paano mag-aangkop, mag-email lamang sa CES-Manuals@ChurchofJesusChrist.org.

LUMANG REQUIREMENT: Kumpletuhin ang Learning Assessment ng kurso na may hindi bababa sa 75% na score.
BAGO: Makibahagi sa pagsasagawa ng isang Doctrinal Mastery Learning Assessment.

Mga Online at Home-Study Assignment

Ang mga online at home-study assignment ay dapat makumpleto at isumite gaya ng sumusunod:

  • Mga Online Student: Kumpletuhin ang assessment at isumite ito sa Canvas.
  • Mga Home-Study Student: Kumpletuhin ang assessment at isumite ito ayon sa tagubilin ng guro sa home-study.

Pag-aangkop ng Assessment para sa mga Estudyanteng may mga Kapansanan

Ang layunin ng pag-aangkop ng assessment ay upang makakuha ng assessment ang mga estudyanteng may partikular na pangangailangan, kapansanan, o problema sa kalusugan na tulad ng iba pang mga estudyante. Dapat gumawa ng marapat na pag-aangkop ang mga guro para matugunan ang partikular na mga pangangailangan, kapansanan, o problema sa kalusugan ng kanilang mga estudyante. Alamin pa.

Mga Estudyanteng Humihiling ng mga Makeup Assessment para sa 2020, 2021, at 2022

Para sa mga estudyante na humihiling ng mga makeup assessment sa mga nakaraang taon, maibabahagi ng mga guro ang mga materyal sa Study Guide and Learning Assessment na makikita sa ibaba. Ang makeup assessment ay maaaring gawin nang mag-isa o kasama ang iba. Ipagkakaloob ang credit kapag naibalik na sa guro ang assessment, at itatala ito ng guro bilang 100%.

Paalala: Hindi dapat gumamit ng mga bubble sheet; Hindi na available ang ExcelSoft para iproseso ang mga sheet. 

Lumang Tipan (2022)

Aklat ni Mormon (2020)

Doktrina at mga Tipan (2021)

 

Attendance

Hindi nagbago ang requirement sa attendance. Ipagkaloob ang credit sa mga estudyante na may kahit 75% na partisipasyon. Ang pagdalo sa seminary ay nagpapala sa mga estudyante sa kanilang mga pagsisikap na maging habambuhay na mga disipulo ni Jesucristo.


Tutulungan kayo ng seminary at institute na baguhin ang inyong tahanan para maging kanlungan ng pananampalataya—isang lugar kung saan ang ebanghelyo ni Jesucristo ay itinuturo, pinag-aaralan, ipinamumuhay, at minamahal.… “Ang pagtatapos mula sa seminary at institute ay magpapaibayo sa kakayahan ninyong magpakahusay sa pinakamahahalagang bagay na gagawin ninyo sa buhay. Tunay na kagalakan ang mapapasainyo!” (Pangulong Russell M. Nelson, “A Personal Invitation to Participate in Seminary and Institute”).


Paalala: Sa released-time seminary, ang mga hindi pagdalo nang walang dahilan ay dapat gawan ng make up work bago maaaring magbigay ng credit.

 

Kaugnay na Resources


Ang Layunin ng Seminaries and Institutes of Religion