2013
Si Jesucristo at ang Unang Pangitain
Enero 2013


Mga Kuwento tungkol kay Jesus

Si Jesucristo at ang Unang Pangitain

Ang Unang Pangitain—nang makita ni Joseph Smith ang Ama sa Langit at si Jesucristo—ang simula ng pagbabalik ng Simbahan ni Jesucristo sa daigdig.

Nalaman ni Joseph Smith sa Unang Pangitain na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay dalawang magkahiwalay na nilalang.

Isa ito sa tatlong pagkakataong nakatala sa mga banal na kasulatan na ipinakilala ng Ama sa Langit ang Kanyang Anak na si Jesucristo (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:17). Ang ibang mga pagkakataon ay nang bisitahin ng Tagapagligtas ang mga Nephita at nang Siya ay binyagan (tingnan sa 3 Nephi 11:7; Mateo 3:17).