2013
Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya
Mayo 2013


Indeks ng mga Kuwento sa Kumperensya

Ang sumusunod na listahan ng mga piling karanasan mula sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya ay maaaring gamitin sa personal na pag-aaral, family home evening, at iba pang pagtuturo. Ang numero ay tumutukoy sa unang pahina ng mensahe.

Tagapagsalita

Kuwento

Elder Neil L. Andersen

(77) Sinunod ng mga mag-asawa sa Mozambique ang Tagapagligtas sa halip na sundin ang kanilang mga tradisyon.

Elder M. Russell Ballard

(18) Muling napasigla ng isang apong babae na pitong taong gulang ang nalantang kamatis.

David L. Beck

(55) Kinaibigan ng mga mayhawak ng Aaronic Priesthood ang isang dalagitang dumaranas ng malupit at walang-awang pang-aapi.

Tumulong ang isang deacon sa Bangalore, India, sa pagpapaaktibo sa lahat ng mga kabataang lalaki sa kanyang branch.

Elder Tad R. Callister

Nalaman ng (52) labimpitong taong gulang na si George F. Richards ang tungkol sa kapangyarihan ng priesthood sa pagbibigay ng basbas sa kanyang ina.

Elder D. Todd Christofferson

(109) Tinulungan ng ina ni D. Todd Christofferson ang isang dalagitang nangangailangan na maabot ang kanyang potensiyal.

Mary N. Cook

(118) Hinarap ng isang dalagita ang pagkamatay ng kanyang ama at pakikibaka ng kanyang ina sa kanser sa pamamagitan ng pagpapakita ng pananampalataya.

Elder Quentin L. Cook

(32) Nakadama ng kapayaan ang isang babaing Hindu sa open house ng Suva Fiji Temple.

Bishop Dean M. Davies

(9) Pinagtibay ng Loma Prieta, California, USA, na lindol noong 1989 sa puso’t isipan ni Dean M. Davies na mahalagang isalig ang ating buhay sa matatag na pundasyon.

Ann M. Dibb

(115) Nadama ng isang di-gaanong aktibong dalagita ang Espiritu sa Young Women camp.

Pangulong Henry B. Eyring

(62) Isang batang ulila ang naging kauna-unahang miyembro ng Simbahan sa isang lungsod na may 130,000 katao.

Habang naglilingkod sa New Mexico, USA, at sa New England, USA, nakita ni Henry B. Eyring ang kamay ng Diyos sa pagtatayo ng Kanyang kaharian.

Elder Enrique R. Falabella

(102) Ang mga miyembro ng Simbahan sa Arizona, USA, ay nagbigay ng pera kay Enrique R. Falabella at sa kanyang asawa para makabalik sila sa Guatemala pagkatapos ng kanilang kasal sa templo.

Elder Jeffrey R. Holland

(93) Sinabihan ni Jeffrey R. Holland ang isang 14-anyos na batang lalaki na hindi siya kailanman dapat humingi ng paumanhin sa “paniniwala lamang.”

Pangulong Thomas S. Monson

(66) Isang lalaki sa Canada ang nag-usisa at sumapi sa Simbahan pagkatapos magbigay ng malakas na patotoo tungkol kay Propetang Joseph Smith ang dalawang full-time missionary.

Sa pagpapadama ng pagmamahal sa kanyang mga sulat linggu-linggo, nadala ng isang full-time missionary ang kanyang ama sa Simbahan.

(89) Natutong sumunod ang walong taong gulang na si Thomas S. Monson pagkatapos masunog ang isang bukirin.

Itinabi ng isang matapat na miyembro ng Simbahan sa Hungary ang kanyang ikapu sa loob ng maraming taon hanggang sa maaari na niya itong ibigay sa kanyang mga home teacher.

Elder Richard G. Scott

(29) Nais tularan ng isang full-time missionary ang pamilya ng kanyang mission president kapag may sarili na siyang pamilya.

Pangulong Dieter F. Uchtdorf

(70) Nagsimulang umawit ng mga himno ang mga West African Saint nang mawalan ng ilaw sa kanilang meetinghouse.

Tinulungan ng ebanghelyo ang isang dalagita na labanan ang kadilimang hatid ng pang-aabuso sa kanyang paglaki.

(125) Tumakas si Dieter F. Uchtdorf at ang mga miyembro ng kanyang pamilya mula sa East Germany.