2013
Hi! Ako si Will mula sa Taiwan
Agosto 2013


Hi! Ako si Will mula sa Taiwan

Mula sa interbyu ni Amie Jane Leavitt

Mayroon ba kayong anumang paboritong mga aktibidad ng pamilya? Si Will at ang kanyang kapatid na si Allen ay masayang inilalaan ang mga araw ng Sabado sa kanilang pamilya para libutin ang mga bagong lugar sa isla ng Taiwan, kung saan sila nakatira.

Maraming masasayang pista-opisyal at pagdiriwang sa Taiwan. Tuwing Setyembre, ipinagdiriwang namin ang Moon Festival. Ang aming buong pamilya ay nagsasama-sama, at kumakain kami ng masasarap na moon cake, na puno ng pulang bean o lotus seed paste.

Sa Taiwan, madalas kaming magkaroon ng pagkakataong maging misyonero. Sa paaralan, kinailangan kong turuan ang klase ko ng isang bagay na alam ko tungkol sa katapatan. Itinuro ko sa kanila kung paano kantahin ang awitin sa Primary na “Ang Tama’y Ipaglaban.”

Bago kami matulog, nagbabasa kami ng mga banal na kasulatan bilang pamilya. Talagang gusto ni Allen ang kuwento tungkol kay Moises at sa ahas na tanso. Ang paboritong kuwento ko ay nang balaan ng Panginoon si Lehi na lisanin ang Jerusalem at nang sabihan si Nephi na gumawa ng barko para makapunta sa lupang pangako.

Pagkatapos ng eskuwela, naglalakad na kami pauwi ng kapatid ko kasama ang aming lolo. Ginagawa namin ang aming homework at naghahapunang kasama nina inay at itay. Ang paborito kong pagkain ay beef noodles, at sinangag naman ang kay Allen. Pareho rin kaming mahilig sa matatamis na pagkain.