2015
Maaari Kang Magsisi at Magpatawad
Agosto 2015


Maaari Kang Magsisi at Magpatawad

Larawan
Product Shot from August 2015 Liahona

Matapos kang mabinyagan at makumpirma, responsibilidad mong piliin ang tama. Kung nagkamali ka, narito ang paraan kung paano magsisi para mas magawa ang tama!

  • Isipin ang ginawa mo.

  • Humingi ng paumanhin at gumawa ng isang bagay na makakatulong para mapabuti ito. Kung kailangan mo ng tulong, kausapin ang magulang mo tungkol dito.

  • Manalangin sa Ama sa Langit. Hilingin sa Kanya na patawarin ka at tulungang mas magawa ang tama sa susunod.

  • Pinatawad ka na! Gawin ang lahat ng makakaya mo para magawa ang gustong ipagawa sa iyo ng Ama sa Langit.

Kung ginawan ka ng isang bagay na nagpagalit sa iyo, narito ang paraan kung paano magpatawad para gumaan ang iyong pakiramdam!

  • Isipin kung bakit nagawa ng taong iyon ang ginawa niya.

  • Mag-isip ng isang magandang bagay tungkol sa taong iyon.

  • Ipagdasal na tulungan kang magpatawad kapag mahirap gawin iyon.

  • Huwag manatiling galit sa taong iyon.

Mga paglalarawan ni Hollie Hobert