Mga Tema
Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood


Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood

Tema ng Korum ng Aaronic Priesthood

Ako ay minamahal na anak na lalaki ng Diyos, at may gawain Siyang ipinagagawa sa akin.

Nang buong puso, kakayahan, isipan, at lakas, mamahalin ko ang Diyos, tutuparin ang aking mga tipan, at gagamitin ang Kanyang priesthood upang maglingkod sa iba, simula sa aking sariling tahanan.

Habang sinisikap kong maglingkod, manampalataya, magsisi at magpakabuti pa bawat araw, ako ay karapat-dapat na tatanggap ng mga pagpapala ng templo at ng walang-hanggang kagalakan ng ebanghelyo.

Maghahanda ako na maging masigasig na missionary, tapat na asawa, at mapagmahal na ama sa pamamagitan ng pagiging tunay na disipulo ni Jesucristo.

Tutulong akong ihanda ang mundo para sa Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng pag-anyaya sa lahat na lumapit kay Cristo at tanggapin ang mga pagpapala ng Kanyang Pagbabayad-sala.