Musika
Templo’y Ibig Makita


99

Templo’y Ibig Makita

May pag-iisip

1. Templo’y ibig makita,

Doon ay pupunta,

Espiritu’y daramhin,

Alay ko’y dalangin.

’Pagkat templo’y tahanan ng Diyos,

Kagandaha’t pag-ibig.

Habang bata pa’y maghahanda,

Tungkulin kong sagrado.

2. Templo’y ibig makita,

Doon ay papasok.

Sa Diyos ay mangangako,

Sa Kanya’y susunod.

’Pagkat templo’y sagradong pook,

Do’n tayo’y ’binubuklod.

Bilang anak N’ya’y aking alam,

Pamilya’y walang hanggan.

Titik at himig: Janice Kapp Perry, p. 1938

© 1980 ni Janice Kapp Perry. Ang awiting ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.

Doktrina at mga Tipan 124:39–41