Musika
’Nay, Mahal ko po Kayo


108a

’Nay, Mahal ko po Kayo

May pagmamahal

1. Mahal ko kayo, Inay.

Ang bawat n’yong ngiti

Ay kaysayang makita,

Sa tahanan palagi.

2. Mahal ko kayo, Inay.

Kislap ng ’nyong mata

Ay katulad ng talang

Naro’n sa kalangitan.

3. Mahal ko kayo, Inay.

Magsisikap ako,

At sa Ama sa Langit

Ay palaging susunod.

Titik: Maud Belnap Kimball, 1889–1971

Himig: Mildred Tanner Pettit, 1895–1977. Isin. © 1989 IRI

Exodo 20:12