Musika
Tulad ng Hamog na Nagmula sa Langit


88

Tulad ng Hamog na Nagmula sa Langit

Taimtim

1. Tulad ng hamog na nagmula sa langit,

Sa damo’y dumadapong dahan-dahan,

At sa damo ito’y nagbibigay-buhay

Upang masunod ang Inyong kalooban.

2. O Panginoon, ang Inyong ebanghelyo,

Ipagkaloob mula kalangitan,

Upang sa pagbasbas N’yo’y makatulong na

Gawain ng pag-ibig ay magampanan.

3. O Panginoon, masdan kaming nagtipon,

Ang mga pangako N’yo sana’y tupdin,

At galing sa langit, ang mga biyaya

Ay Inyo sanang hayaang mapasa’min.

4. Ang aming dalangin sana ay pakinggan,

Ang Espiritu sa ’mi’y ibahagi,

Nang ang buong madla sa Inyo’y magpugay

At maligayang maghayag at magpuri.

Titik: Thomas Kelly, 1769–1854

Himig: Joseph J. Daynes, 1851–1920

Deuteronomio 32:2

Isaias 55:10–11