Musika
Bilang Mga Kabataang Sion


158

Bilang Mga Kabataang Sion

Matatag

1. Bilang mga kabataang Sion,

Puso namin ay magiting,

Sa ’ming mga mata’y nagniningning:

Pangakong tungkuli’y tupdin.

Dakilang nakalipas ang

Saligan ng bukas,

At sa hamon ng kasalukuyan,

Sumap’y katapatang wagas.

2. Mga paniniwala namin ay

Kinukutya nila t’wina,

Sa ’ming pakikinig at pagsunod,

Pag-iwas ay magagawa.

Sa sala at kasamaang

Sa ’min ay sisira.

Nananalig kaming tangan t’wina,

Ebanghelyo ng ligaya.

3. Sa pagsubok man ay may pangamba,

Dama pa rin ang pag-asa.

Maglilingkod sa layuning mat’wid,

May tapang at lakas t’wina.

Magmamahal, matututo

At magtatagumpay.

Bilang mga kabataang Sion,

Magigiting at dalisay.

Titik: Susan Evans McCloud, p. 1845. © 1985 IRI

Himig: Melodiyang Irlandes, ina. © 1985 IRI

Alma 37:35–37

Alma 53:20–21