Musika
Mga Banal ng Sion


26

Mga Banal ng Sion

May sigasig

1. Mga Banal ng Sion, Diyos nati’y purihin.

Lahat ng tinubos N’ya’y Muling nagbabalik.

Tahak nilang may awit, Landas na makitid,

Sila’y may pasalamat Sa Diyos na naghatid.

2. Mga galing kay Juda, Sa ami’y umanib;

Awit nating papuri, Sa Diyos iparinig.

Kamay N’ya ay tutulong, Mundo’y nakamasid

Ngayon ay tinitipon Bawat taong mat’wid.

3. Magdiwang na, O Israel, Ligaya’y itanghal!

Saan ka man makita, Tinig N’ya’y daratal.

Ikaw ay tinatawag, Magsisi’t magpugay

Sa Israel at Sion, L’walhati N’ya’y taglay.

4. Mga Banal, magtipon, Sa Sion magtungo.

Ihanda ang landasin, Diyos ang magtuturo.

Sumalungat man sa ’tin, Buong kasamaan,

Tagumpay nati’y gawad Ng Diyos walang hanggan.

Titik: William W. Phelps, 1792–1872

Himig: John E. Tullidge, 1806–1873

Jeremias 31:10–14

Isaias 35:10

Isaias 52:7–10