Musika
O Diyos sa Langit


59

O Diyos sa Langit

May panalangin

1. O Diyos sa langit, sa Inyong pag-ibig,

Sana po’y dinggin aming panalangin.

Kapayapaan ang dama sa puso;

Salamat t’wina.

2. Ang aming puso’y may kapayapaan,

At may ligaya, pusong mayro’ng hapis.

Aming tiwala sa Inyo’y kay tibay,

’Di nagmamaliw.

3. Diyos n’yaring lahi, nawa’y bawat bayan,

May kaligtasan at kapayapaan.

Buong daigdig, sa Inyo’y papanig

Nang may pag-ibig.

Titik: Angus S. Hibbard

Himig: Freidrich F. Flemming, 1778–1883; ina. ni Edwin P. Parker, 1836–1925

Awit 29:11

Juan 14:27