Musika
Pag-asa ng Israel


161

Pag-asa ng Israel

May sigla

1. Kabataang hukbong Sion,

Pag-asa ng Israel,

Hudyat ng Pinuno’y masdan,

At digmaan ay simulan.

[Chorus]

Pag-asa ng Israel,

Katotohana’y taglay;

Manalangi’t magbantay,

Lupigin ang kaaway.

2. Ang kalaban ay kayrami,

Gumon sa kasalanan.

Pag-asa ng Israel, sulong,

Nang tagumpay ay makamtan.

[Chorus]

Pag-asa ng Israel,

Katotohana’y taglay;

Manalangi’t magbantay,

Lupigin ang kaaway.

3. Ibagsak ang kamalian;

Itanghal ang sandata.

Sa bawat hakbang paglusob,

Tagumpay ang makukuha.

[Chorus]

Pag-asa ng Israel,

Katotohana’y taglay;

Manalangi’t magbantay,

Lupigin ang kaaway.

4. Ang digma’y magwawakas na,

Malulupig ang kaaway.

Kabataang Sion, sulong,

Gantimpala ang tagumpay.

[Chorus]

Pag-asa ng Israel,

Katotohana’y taglay;

Manalangi’t magbantay,

Lupigin ang kaaway.

Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942

Himig: William Clayson, 1840–1887

Mga Taga-Efeso 6:10–18

2 Nephi 28:7–8, 20–28