Musika
Mga Kampana’y Narinig sa Araw ng Pasko


129

Mga Kampana’y Narinig sa Araw ng Pasko

May pagninilay

1. Mga kampana’y narinig,

Hatid ang pamaskong himig,

Hangarin sa bawat tao:

“Kapayapaan sa mundo.”

2. Patuloy na naririnig

Ang awit sa buong daigdig,

Hangad ng bawat Krist’yano:

“Kapayapaan sa mundo.”

3. Buong lungkot kong napuna,

Kapayapaa’y ’di dama.

Galit ang s’yang nasa puso

Ng bawat tao sa mundo.

4. Ngunit kampana’y tumunog,

“Ang Diyos ay ’di natutulog,

Ang maghahari nang husto:

Kapayapaan sa mundo.“

5. Lahat ay magsipag awit,

Liwanag sa mundo’y hatid.

Dalangin ng bawat puso:

Kapayapaan sa mundo.

Titik: Henry Wadsworth Longfellow, 1807–1882:

Himig: John Baptiste Calkin, 1827–1905

Lucas 2:14

Doktrina at mga Tipan 3:1–3