Musika
O Jesus na Umiibig


56

O Jesus na Umiibig

Mapitagan

1. O, Jesus na umiibig

Sa aba kong kaluluwa,

Sa Inyong dibdib ay kalingain,

Sa gitna ng unos at sigwa,

Iligtas, Panginoon ko,

Sa dugsa ay sagipin;

Gabayan tungo sa kanlungan,

At ako ay tanggapin.

2. Kaligtasan ay wala nang

Ibang makapagdudulot.

H’wag na h’wag na ako’y lilisanin,

Sa t’wina ako’y itaguyod.

Tanging sa ’Nyo mananalig,

Tulong N’yo’y aasahan.

Bawat saglit ay umagapay,

At magsilbing tanggulan.

Titik: Charles Wesley, 1701–1788

Himig: Joseph P. Holbrook, 1822–1888

Isaias 25:4

Awit 62:1–2, 7–8