Musika
O Magsaya


121

O Magsaya

May pagbunyi

1. O magsaya, ‘sinilang na

Ang Hari ng lahat!

Bawat puso ay maghanda na si Cristo ay tanggapin,

At magsipag-awit,

Mga Santo at anghel,

Magsi-awit ang mga Santo at anghel.

2. Magdiwang na at magbunyi,

Si Cristo ang Hari!

Habang bukid, tubig, burol, kabunduka’t kaparangan,

Muling inaawit,

Ang maligayang himig,

Inaawit muli, maligayang himig.

3. ‘Di na muling mananaig,

Sala’t kalungkutan;

S’ya’y darating at ang mga biyaya’y ipadadala,

Saan man umabot

At makita ang sumpa,

Sa’n man umabot at makita ang sumpa.

4. Magdiwang sa kaitaasan,

Habang ang Israel

Sa mga bansa’y kumakalat gaya ng mga bituin,

At laging sumamba

Sa Diyos na ating Ama,

At palaging sa Diyos Ama ay sumamba.

Titik: Isaac Watts, 1674–1748; bin. ni William W. Phelps, 1792–1872

Himig: George F. Handel, 1685–1759; ina. ni Lowell Mason, 1792–1872

Alma 5:50

Awit 97:1

Awit 98:4–9