Musika
Ilaw na Banal


193

Ilaw na Banal

Mataimtim

1. Batid ang ilaw ng Diyos sa Batis, usbong at puno,

Dahil dito pag-asa ay Dama sa ’ting puso.

[Chorus]

Ilaw N’yong banal, Ama, Itanglaw sa ’min.

Ang mata nami’y buksan Nang Kayo’y sundin.

Layunin naming banal, Mensahe N’yo’y dalhin.

Dama ay katotohanan At pananalig.

2. May pananampalataya Sa bawat pusong bata;

Katulad ng isang usbong, Liwanag ang badya.

[Chorus]

Ilaw N’yong banal, Ama, Itanglaw sa ’min.

Ang mata nami’y buksan Nang Kayo’y sundin.

Layunin naming banal, Mensahe N’yo’y dalhin.

Dama ay katotohanan At pananalig.

3. Sa pananampalataya, Dama’ng Inyong layunin.

Kagustuhan N’yo’y ihayag, Puso’y dalisayin.

[Chorus]

Ilaw N’yong banal, Ama, Itanglaw sa ’min.

Ang mata nami’y buksan Nang Kayo’y sundin.

Layunin naming banal, Mensahe N’yo’y dalhin.

Dama ay katotohanan At pananalig.

Titik: Matilda Watts Cahoon, 1881–1973 © 1944 IRI

Himig: Mildred T. Pettit, 1895–1977, ina. © 1944 IRI

Awit 43:3

II Mga Taga-Corinto 4:6

II Mga Taga-Corinto 5:7