Musika
Ang Panginoon Ay Pastol Kong Tunay


62

Ang Panginoon Ay Pastol Kong Tunay

Mapayapa

1. Ang Panginoon ay pastol kong tunay,

Bawat kong kailangan ay Kanyang alay:

Sariwang pastulan, tubig na dalisay.

Kapag nawawalay, S’ya ang patnubay;

Kapag nawawalay, S’ya ang patnubay.

2. Kahit na saang dako sa kadiliman,

Dahil sa paglingap, ako’y panatag.

Ililigtas t’wina ng aking tanggulan;

’Di mapapahamak sa Inyong piling,

’Di mapapahamak sa Inyong piling.

3. Sa aking dalamhati ay may ginhawa.

Sa Inyong kalinga, biyaya’y puspos.

Ako ay hinirang, sa’ko’y nagtiwala;

Sa Inyo’y wala nang mahihiling pa,

Sa Inyo’y wala nang mahihiling pa.

Titik: James Montgomery, 1771–1854; ibinatay sa Mga Awit 23

Himig: Thomas Koschat, 1845–1914

Awit 23

Isaias 26:3–4