Musika
Ama, Kayo ang Susundin


111

Ama, Kayo ang Susundin

May pagninilay

1. Noon, sa may kalangitan,

Si Cristo ay inatasan

Upang mundo ay sagipin;

“Ama, Kayo ang susundin.”

2. S’yang Hari ng mga Hari,

Langit, iniwan N’yang dagli.

Dito’y naging masunurin,

“Ama, Kayo ang susundin.”

3. Korona mang tinik, o krus,

Lahat binata ni Jesus.

Sariling nais ’di pansin,

“Ama, Kayo ang susundin.”

4. Tubig, tinapay ay tanggap

Nang maalala S’yang ganap.

Nang tulad N’ya’y idalangin:

“Ama, Kayo ang susundin.”

Titik: Frank I. Kooyman, 1880–1963. © 1948 IRI

Himig: Robert P. Manookin, 1918–1997. © 1985 IRI

Moises 4:2

Lucas 22:41–44

2 Nephi 10:24