Musika
Tinig ng Propeta


16

Tinig ng Propeta

May tatag ng loob

1. Tinig ng propeta ay tinig din ng ating Diyos

Sa ’ti’y humihimok upang sundin mga utos.

Tagakita’y tinawag ni Cristo na magturo

Ng salita ng Diyos upang matulungan tayo.

2. Sa bawat bayan ay maririnig ang propeta.

Sa buong daigdig, ebanghelyo ang hatid n’ya!

Ang kanyang mensahe, sadyang magpapatotoo,

Gaya ng bawat propeta ng Diyos sa ’ting mundo.

3. Hosana! Ating papuri’y paratingin sa Diyos,

Ayon sa propeta, tayo’y kilala N’yang lubos!

Buong mundo ay makinig! Sundin ang propeta.

’Pagkat pagkasaserdoteng ganap ay hawak n’ya.

Titik: Marylou Cunningham Leavitt, p. 1928 © 1985 IRI

Himig: Darwin K. Wolford, p. 1936 © 1985 IRI

Doktrina at mga Tipan 1:38

Doktrina at mga Tipan 68:4

Doktrina at mga Tipan 112:30–32