Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Apocalipsis 19


PJS, Apocalipsis 19:15, 21 (ihambing sa Apocalipsis 19:15, 21)

(Ginagamit ng Diyos ang salita ni Cristo upang bagabagin ang mga bansa.)

15 At mula sa kanyang bibig ay lumalabas ang salita ng Diyos, at sa pamamagitan nito ay babagabagin niya ang mga bansa; at kanyang paghaharian sila sa pamamagitan ng salita ng kanyang bibig; at kanyang yayapakan ang pisaan ng ubas sa kabangisan at kapootan ng Pinakamakapangyarihang Diyos.

21 At ang mga labi ay papatayin sa pamamagitan ng salita niya na nakaupo sa kabayo, na kung aling salita ay lumalabas mula sa kanyang bibig; at ang lahat ng ibon ay nangabusog sa kanilang mga laman.