Jesucristo
Pagbabasbas sa Tinapay


Pagbabasbas sa Tinapay

O Diyos, ang Amang Walang Hanggan,
kami ay humihiling sa inyo sa pangalan ng inyong Anak, na si Jesucristo,
na basbasan at gawing banal ang tinapay
na ito sa mga kaluluwa ng lahat nila na kakain nito,
nang sila ay makakain bilang pag-alaala sa katawan ng inyong Anak,
at patunayan sa inyo, O Diyos, ang Amang Walang Hanggan,
na sila ay pumapayag na taglayin sa kanilang sarili
ang pangalan ng inyong Anak,
at lagi siyang alalahanin at susundin ang kanyang mga kautusan
na ibinigay niya sa kanila; nang sa tuwina ay mapasakanila
ang kanyang Espiritu upang makasama nila.
Amen.