2009
Lalong Napapalapit sa Panginoon
Enero 2009


Lalong Napapalapit sa Panginoon

Ngozichi Okwandu, Abia, Nigeria

Mula nang regular akong dumalo sa institute, dumating na sa buhay ko ang malalaking espirituwal na pagpapala. Nagkaroon ako ng pagmamahal na tulad ng kay Cristo sa aking kapwa estudyante sa institute, lumalakas ang pananampalataya ko sa Panginoon, at napapalapit ako kay Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Ang mga aral ay nagbibigay sa akin ng patnubay sa pagtulong sa akin na higit na maunawaan kung paano gamitin ang aking kalayaang pumili. Tinutulungan ako nitong harapin ang mga hamon nang may positibong pananaw, at nalaman ko na laging nariyan ang Diyos para tulungan akong makayanan ang aking mga paghihirap. Kapag dumadalo ako sa institute, nakikita ko ang mga kasagutan sa aking mga tanong. Tuwing isasabuhay ko ang mga turo sa aking mga klase, tila mas madaling ilagay sa dapat kalagyan ang iba pang bagay sa aking buhay.

Palagay ko ang pakikibahagi sa institute ay isa sa mga pinakamainam na paraan na magagamit ko ang aking oras habang bata pa ako.