2011
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Pebrero 2011


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na maaaring gamitin para sa family home evening. Narito ang ilang halimbawa.

“Pagkatutong Makinig at Umunawa sa Espiritu,” p. 24; at “Ang Gagamba at ang Marahan at Banayad na Tinig,” p. 68: Itinuturo sa atin ng mga artikulong ito ang kahalagahan ng pagkilos ayon sa mga pahiwatig ng Espiritu. Bago basahin nang malakas ang isa sa mga artikulo, anyayahan ang mga kapamilya na pakinggan ang mga paraan na makikilala nila ang Espiritu. Matapos basahin ang artikulo, maaari ninyong ikuwento ang isang pagkakataon na nadama ninyo ang Espiritu Santo at anyayahan ang mga kapamilya na gawin din iyon.

“Mga Talinghaga ng Nawala at Natagpuan,” p. 32: Upang maituro sa mga kapamilya ang kahalagahan ng paghahanap sa mga espirituwal na nawala, maaari kayong maglaro ng taguan. Pagkatapos ng laro, magbasa ng isa o dalawang kuwento mula sa artikulong ito at ibahagi ang natutuhan ninyo tungkol sa paghahanap sa mga nawala. Maaari ninyong tukuyin ang mga kapitbahay o kaibigang maaari ninyong bisitahin at kumustahin. Pagkatapos ay talakayin ang mga paraan para mapabalik ninyo sila sa simbahan.

“Ang Ebanghelyo ay Para sa Lahat,” p. 54: Itinuturo sa artikulong ito na “walang ulirang katangian para sa maaaring maging miyembro ng Simbahan.” Upang maituro ang konseptong ito, isiping pagpalit-palitin ang mga tatak sa mga pagkaing de-lata o maglagay ng asukal sa lalagyan ng asin. Anyayahan ang mga miyembro ng pamilya na pumili ng de-latang kakainin o tikman ang “asin.” Matapos gawin ito, basahin ang artikulo ni Elder Godoy. Bilang pamilya, isipin yaong mga mababahaginan ninyo ng ebanghelyo—maging yaong mga hindi akma sa “ulirang katangian” ng magiging miyembro ng Simbahan.

“Bubuhatin Ka Namin!” p. 62: Bilang pamilya mababasa at matatalakay ninyo ang artikulong ito kapag ang mga kapamilya ay nakatulong na sa iba o napaglingkuran na ng iba. Pagkatapos ay mag-isip ng mga paraan para makapaglingkod. Magagawa ninyong aktibidad sa darating na family home evening ang inyong plano.