2012
Ang Ating Pahina
Hulyo 2012


Ang Ating Pahina

Alina A., edad 7, Ukraine

Ang Aking Pamilya, ni Lucas O., edad 5, Brazil

Templo, ni Scherryan P., edad 10, Samoa

Gusto ni Eugene Y., edad 12, mula sa Malaysia, na makipaglaro ng Chinese chess sa kanyang lolo. Sa kanyang libreng oras gusto rin niyang makipaglaro ng basketball at badminton sa kanyang mga kaibigan. Gusto niyang makipagkaibigan at makinig ng mga awiting Intsik.

Alam Naming Siya ay Buhay at Minamahal Niya Kami

Nagbabasa kami ng mga banal na kasulatan at nag-aaral ng mga turo ni Jesucristo kasama ang aming mga magulang gabi-gabi. Kapag naririnig naming magsalita ang mga lider ng Simbahan sa kumperensya at nagkukuwento sila mula sa mga banal na kasulatan, nauunawaan namin ang mga turo dahil napag-aralan na namin ito sa aming pamilya. Alam namin ang kahalagahan ng pag-aaral ng banal na kasulatan araw-araw. Alam naming kami ay mga anak ng Ama sa Langit, at na Siya ay buhay, at Siya at si Jesucristo ay mahal kami.

Thomas A., edad 8; Aaron A., edad 6; at Cecilia A., edad 10, Argentina

Gusto kong Magtakda ng mga Mithiin

Gumawa ako ng unan na may larawan ni Jesucristo dahil isa iyon sa mga mithiin ko. Nagpapasalamat ako na nabinyagan ako. Gusto kong magkaroon ng kuwadernong mapagsusulatan ko ng aking mga mithiin. Gusto kong may ginagawa, at pinanonood ko ang nanay ko at lagi kong ginagawa ang ginagawa niya.

Miriam C., edad 8, Mexico