2012
Notebook ng Kumperensya para sa Buwan ng Abril
Hulyo 2012


Notebook ng Kumperensya para sa Buwan ng Abril

“Kung ano ang sinabi ko, ang Panginoon, ay sinabi ko; … maging sa pamamagitan ng sarili kong tinig o sa tinig man ng aking mga tagapaglingkod, ito ay iisa” (D at T 1:38).

Habang nirerepaso ninyo ang pangkalahatang kumperensya ng Abril 2012, magagamit ninyo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa darating na mga isyu) upang tulungan kayong pag-aralan at ipamuhay ang mga turo ng mga buhay na propeta at apostol at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan kamakailan.

Pangako ng Isang Propeta

“Sa pag-alis natin sa kumperensyang ito, dalangin kong pagpalain kayo ng langit. … Pag-isipan nawa ninyo ang mga katotohanang narinig ninyo, at nawa matulungan kayo ng mga ito na maging mas mabuting tao kaysa noong makalawa nang magsimula ang kumperensya.

Pangulong Thomas S. Monson, “Sa Pagtatapos Nitong Kumperensya,” Liahona, Mayo 2012, 116.