2014
Oras na Natin
Oktubre 2014


Oras na Natin

May tapang

Si Esther ng Biblia,

aking tutularan,

Ipagtatanggol nang may katapangan

plano ng ating Ama.

Si Nephi tutularan,

kapwa’y tutulungan,

Pangangalagaan at igagalang

plano ng ating Ama.

Si Abish ay naglingkod,

sa liwanag ng Diyos.

Katotohanan ay ipapabatid.

Sa Diyos ay mananalig.

Si Moroni kaytapang,

s’ya ay nanindigan.

Tulad n’ya sisikaping maging tapat.

Bandila’y iaangat.

Oras na natin,

tayo’y maghanda.

Mensahe ng Diyos

Ibahagi na.

© 2013 nina Jan Pinborough at Janice Kapp Perry
[DELETED]. Lahat ng karapatan ay nakalaan.

Larawang kuha ni SZE FEI WONG/iStock/Thinkstock