2014
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Oktubre 2014


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.

“Family History—Ginagawa Ko Ito,” pahina 58: Pangunahan ang isang aktibidad sa pagsusulat sa journal! Hikayatin ang mga miyembro ng pamilya na magtala ng anumang bagay tungkol sa buhay nila—isang alaala ng nagdaang mga taon o isang bagay na nangyari sa kanila sa araw na iyon. Tulungan ang inyong pamilya na maunawaan na maraming paraan ng pagsulat sa journal. Maaari nilang isulat, i-type, o idrowing ang kanilang journal entry, o maaari pa nilang irekord mismo ang kuwento sa isang voice recorder. Hikayatin ang inyong pamilya na patuloy na magsulat nang madalas sa kanilang journal.

“Alamin Pa Kung Ano ang Maaasahan Ninyo sa Misyon,” pahina 64: Isiping magdaos ng aktibidad sa paghahanda para sa misyon tulad ng ginawa ng isang ward sa Norway. Maaari ninyong ituro ang mga bagay na itinuro nila—tulad ng paano sisimulang makipag-usap tungkol sa ebanghelyo o paano magplantsa ng puting polo—o maaari kayong magpokus sa iba pang mga kasanayan na inaakala ninyong mapapakinabangan ng mga miyembro ng inyong pamilya sa misyon.

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.