Ang ulat ng kamatayan ni Lehi. Ang mga kapatid ni Nephi ay naghimagsik laban sa kanya. Binalaan ng Panginoon si Nephi na umalis at magtungo sa ilang. Ang kanyang paglalakbay sa ilang, at iba pa.

KABANATA 1

Si Lehi ay nagpropesiya ng tungkol sa isang lupain ng kalayaan—Ang kanyang mga binhi ay ikakalat at parurusahan kung itatakwil nila ang Banal ng Israel—Pinayuhan niya ang kanyang mga anak na isuot ang baluti ng kabutihan. Mga 588–570 B.C.

  AT ngayon ito ay nangyari na, na pagkaraang ako, si Nephi, ay matapos sa pagtuturo sa aking mga kapatid, ang aming aama, si Lehi, ay nangusap din ng maraming bagay sa kanila, at inulit sa kanila, kung gaano kadakila ang mga bagay na ginawa ng Panginoon para sa kanila sa paglalabas sa kanila sa lupain ng Jerusalem.

  At nangusap siya sa kanila hinggil sa apaghihimagsik nila noong nasa mga tubig, at sa mga awa ng Diyos sa pagkakaligtas sa kanilang buhay, na hindi sila nilulon ng dagat.

  At nangusap din siya sa kanila hinggil sa lupang pangako, na kanilang natamo—gaano ang pagkamaawain ng Panginoon sa pagbababala sa amin na kami ay tumakas sa lupain ng Jerusalem.

  Sapagkat, masdan, sinabi niya, nakakita ako ng isang apangitain, kung saan nalaman ko na ang bJerusalem ay nawasak na; at kung tayo ay nanatili sa Jerusalem tayo rin ay cnangasawi.

  Datapwat, wika niya, sa kabila ng ating mga kahirapan, ay ating natamo ang isang alupang pangako, isang lupaing bpinili sa lahat ng ibang lupain; isang lupaing tinipan sa akin ng Panginoong Diyos na lupaing mamanahin ng aking mga binhi. Oo, cipinagtipan sa akin ng Panginoon ang lupaing ito, at sa aking mga anak magpakailanman, at gayon din sa lahat ng yaong ilalabas sa ibang bansa ng kamay ng Panginoon.

  Anupa’t, ako, si Lehi, ay nagpopropesiya alinsunod sa pamamatnubay ng Espiritu na nasa akin, na awalang ibang makapaparito sa lupaing ito maliban kung sila ay dalhin ng kamay ng Panginoon.

  Kaya nga, ang alupaing ito ay inilaan para sa kanya na siya niyang dadalhin. At kung mangyayari na kanilang paglilingkuran siya alinsunod sa mga kautusang kanyang ibinigay, ito ay magiging lupain ng bkalayaan sa kanila; anupa’t, hindi sila kailanman madadala sa pagkabihag; kung magkagayon man, ito ay dahil sa kasamaan; sapagkat kung ang kasamaan ay lalaganap ay csusumpain ang lupain ng dahil sa kanila, ngunit sa mabubuti, ito ay pagpapalain magpakailanman.

  At masdan, ito ay karunungan na ikubli muna ang lupain sa kaalaman ng mga ibang bansa; sapagkat masdan, maraming bansa ang sasakop sa lupain, kung kaya’t hindi magkakaroon ng pook na ipamamana.

  Samakatwid, ako si Lehi, ay nagtamo ng isang pangako, na ahabang yaong mga ilalabas ng Panginoong Diyos sa lupain ng Jerusalem ay sumusunod sa kanyang mga kautusan, sila ay buunlad sa ibabaw ng lupaing ito; at sila ay ikukubli mula sa ibang mga bansa, upang ang lupaing ito ay mapasakanila. At kung mangyayari na kanilang csusundin ang kanyang mga kautusan sila ay pagpapalain sa ibabaw ng lupaing ito, at walang sinumang manliligalig sa kanila, o kaya’y aagaw ng lupaing kanilang mana; at sila’y makapaninirahan nang ligtas magpakailanman.

  10  Datapwat masdan, kung dumating ang panahon na sila ay manghina sa kawalang-paniniwala, matapos na kanilang tanggapin ang gayong kalaking pagpapala mula sa kamay ng Panginoon—na taglay ang kaalaman ng paglikha ng mundo, at ng lahat ng tao, nalalaman ang dakila at mga kagila-gilalas na gawa ng Panginoon mula sa paglikha ng mundo; na may kapangyarihang ibinigay sa kanila upang magawa ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng pananampalataya; sa pagkakaroon ng lahat ng kautusan mula pa sa simula, at sa pagkakadala sa pamamagitan ng kanyang walang hanggang kabutihan dito sa natatanging lupang pangako—masdan, sinasabi ko, na kung dumating ang araw na kanilang itatakwil ang Banal ng Israel, ang tunay na aMesiyas, ang kanilang Manunubos at kanilang Diyos, masdan, ang mga kahatulan niya na makatarungan ay sasapit sa kanila.

  11  Oo, kanyang dadalhin ang mga aibang bansa sa kanila, at ipagkakaloob niya sa kanila ang kapangyarihan, at kanyang kukunin sa kanila ang mga lupaing kanilang pag-aari, at sila ay kanyang bikakalat at parurusahan.

  12  Oo, habang ang isang salinlahi ay pumapalit sa isang salinlahi, magkakaroon ng mga apagdanak ng dugo, at masisidhing kaparusahan sa kanila; kaya nga, mga anak ko, nais kong inyong tandaan; oo, nais kong inyong pakinggan ang aking mga salita.

  13  O, na kayo ay magising; magising mula sa mahimbing na pagkakatulog, oo, maging mula sa pagkakatulog ng aimpiyerno, at iwagwag ang mga kakila-kilabot na btanikala na sa inyo’y nakagapos, mga tanikalang gumagapos sa mga anak ng tao, na siyang nagdadala sa kanila sa pagkabihag doon sa walang hanggang clook ng kalungkutan at kapighatian.

  14  Gumising! At bumangon mula sa alabok, at makinig sa mga salita ng nanginginig na amagulang, na ang mga biyas ay tiyak na malapit na ninyong ihimlay sa malamig at tahimik na blibingan, kung saan walang manlalakbay na makababalik; mga ilang araw na lamang at ako ay yayaon ng clakad ng buong lupa.

  15  Ngunit masdan, atinubos ng Panginoon ang aking kaluluwa mula sa impiyerno; at namasdan ko ang kanyang kaluwalhatian, at ako ay nayayakap magpakailanman ng mga bbisig ng kanyang cpagmamahal.

  16  At nais kong inyong pakatandaang sundin ang mga abatas at kahatulan ng Panginoon; masdan, ito ang ikinababalisa ng aking kaluluwa mula pa sa simula.

  17  Ang aking puso ay manaka-nakang bumibigat sa kalungkutan, sapagkat ako ay natatakot, na baka sa katigasan ng inyong mga puso ang Panginoon ninyong Diyos ay dumalaw sa inyo sa kaganapan ng kanyang agalit, na kayo ay bmahiwalay at mamatay magpakailanman;

  18  O, na ang isang sumpa ay sumapit sa inyo sa loob ng amaraming salinlahi; at kayo ay parurusahan sa pamamagitan ng espada, at ng taggutom, at kapopootan, at aakayin alinsunod sa kagustuhan at pagkabihag ng bdiyablo.

  19  O mga anak ko, sana’y huwag sumapit sa inyo ang mga bagay na ito, bagkus kayo ay maging isang pinili at mga apinagpalang tao ng Panginoon. Datapwat masdan, masusunod ang kanyang kalooban; sapagkat ang kanyang mga blandas ay katwiran magpakailanman.

  20  At kanyang sinabi na: aHabang inyong sinusunod ang aking mga bkautusan kayo ay cuunlad sa lupain; datapwat habang hindi ninyo sinusunod ang aking mga kautusan kayo ay itatakwil mula sa aking harapan.

  21  At ngayon upang ang aking kaluluwa ay magkaroon ng kagalakan sa inyo, at ang aking puso ay lumisan sa daigdig na ito nang may kagalakan dahil sa inyo, upang ako ay hindi madala nang may pagdadalamhati at kalungkutan sa libingan, bumangon kayo mula sa alabok, mga anak ko, at amagpakalalaki, at magkaroon ng pagnanais na maging bisang isipan at isang puso, nagkakaisa sa lahat ng bagay, upang kayo ay hindi madala sa pagkabihag.

  22  Upang kayo ay hindi sumpain ng isang masidhing sumpa; at gayundin, nang hindi ninyo abutin ang galit ng isang amakatarungang Diyos sa inyo, tungo sa pagkawasak, oo, ang walang hanggang pagkawasak ng kaluluwa at katawan.

  23  Gumising, mga anak ko; isuot ninyo ang abaluti ng kabutihan. Iwagwag ang mga tanikalang gumagapos sa inyo, at lumabas mula sa karimlan, at bumangon mula sa alabok.

  24  Huwag na kayong maghimagsik pa laban sa inyong kapatid, na ang mga pananaw ay puno ng kaluwalhatian, at sumusunod sa mga kautusan mula pa sa panahong ating lisanin ang Jerusalem; at naging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos, sa pagdadala sa atin sa lupang pangako; sapagkat kung hindi dahil sa kanya, tayo sana ay tiyak na nangasawi sa agutom sa ilang; gayon pa man, hinangad ninyong bkitlin ang kanyang buhay; oo, at siya ay nagdanas ng maraming kalungkutan dahil sa inyo.

  25  At ako ay labis na natatakot at nanginginig dahil sa inyo, na baka siya ay muling magdusa; sapagkat masdan, inyo siyang pinararatangan na siya ay naghahangad na magkaroon ng kapangyarihan at akarapatan sa inyo; ngunit alam kong hindi siya naghahangad na magkaroon ng kapangyarihan at karapatan sa inyo, bagkus, ang kaluwalhatian ng Diyos ang hinahangad niya, at ang inyong walang hanggang kapakanan.

  26  At kayo ay bumulung-bulong dahil sa siya ay naging tapat sa inyo. Sinabi ninyo na siya ay gumamit ng akatalasan; sinabi ninyo na siya ay galit sa inyo; datapwat masdan, ang kanyang katalasan ay katalasan ng kapangyarihan ng salita ng Diyos, na nasa kanya; at yaong tinatawag ninyong galit ay katotohanan, alinsunod sa yaong nasa Diyos, na hindi niya mapigil, walang takot na ipinamumukha ang hinggil sa inyong mga kasamaan.

  27  At talagang kinakailangan na ang akapangyarihan ng Diyos ay mapasakanya, maging sa kanyang pag-uutos sa inyo na kayo ay kinakailangang sumunod. Datapwat masdan, ito ay hindi siya, kundi ito ang bEspiritu ng Panginoon na nasa kanya, na cnagbubukas ng kanyang bibig sa pagsasalita kaya’t hindi niya ito maitikom.

  28  At ngayon anak ko, Laman, at kayo rin Lemuel, at Sam, at kayo ring mga anak ko na mga anak na lalaki ni Ismael, masdan, kung kayo ay makikinig sa tinig ni Nephi, hindi kayo masasawi. At kung kayo ay makikinig sa kanya ay igagawad ko sa inyo ang isang apagbabasbas, oo, maging ang aking unang pagbabasbas.

  29  Datapwat kung hindi kayo makikinig sa kanya ay babawiin ko ang aking aunang pagbabasbas, oo, maging ang aking pagbabasbas, at ito ay mapapasakanya.

  30  At ngayon, Zoram, ako ay nangungusap sa iyo: Masdan, ikaw ay atagapagsilbi ni Laban; gayunman, ikaw ay inilabas sa lupain ng Jerusalem, at alam ko na ikaw ay isang tunay na kaibigan ng aking anak na si Nephi, magpakailanman.

  31  Kung gayon, sapagkat ikaw ay naging matapat ang iyong mga binhi ay pagpapalain akasama ng kanyang mga binhi, kung kaya’t sila’y maninirahan sa kasaganaan nang mahabang panahon sa ibabaw ng lupaing ito; at wala, maliban sa kasamaan sa kanila, ang makapipinsala o makagagambala sa kanilang kasaganaan sa ibabaw ng lupaing ito magpakailanman.

  32  Anupa’t kung susundin mo ang mga kautusan ng Panginoon, ilalaan ng Panginoon ang lupaing ito para sa katiwasayan ng iyong mga binhi, kasama ng mga binhi ng aking anak.