Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Mateo 17


PJS, Mateo 17:10–14 (ihambing sa Mateo 17:11–13)

(Dalawang Elias ang darating—isang maghahanda at isang magpapanumbalik.)

10 At si Jesus ay tumugon at sinabi sa kanila, Tunay na si Elias ay una munang paparito, at ibabalik ang lahat ng bagay, gaya nang isinulat ng mga propeta.

11 At muli sinasabi ko sa inyo na naparito na si Elias, siya na isinulat, Masdan, ipadadala ko ang aking sugo, at ihahanda niya ang daan sa harapan ko; at hindi nila siya nakilala, at kanilang ginawa sa kanya, anuman ang kanilang inibig.

12 Gayon din ang daranasin ng Anak ng Tao sa kanila.

13 Subalit sinasabi ko sa inyo, Sino si Elias? Masdan, ito si Elias, na aking isinugo upang ihanda ang daan sa harapan ko.

14 Nang magkagayon ay naunawaan ng mga disipulo na si Juan Bautista ang sa kanila ay kanyang sinasabi, at ng isa pa na darating at ibabalik ang lahat ng bagay, gaya ng isinulat ng mga propeta.