Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Mateo 9


PJS, Mateo 9:18–21 (Ang tekstong ito ay ibinalik ng Propetang si Joseph Smith; isiningit sa pagitan ng Mateo 9:15 at Mateo 9:16)

(Tinanggihan ni Jesus ang binyag ng mga Fariseo; ibinigay niya ang bataS ni Moises.)

18 Nang magkagayon ay sinabi ng mga Fariseo sa kanya, Bakit hindi mo kami tinatanggap sa aming pagbibinyag, nakikitang sinusunod namin ang buong batas?

19 Subalit sinabi ni Jesus sa kanila, Hindi ninyo sinusunod ang batas. Kung inyong sinunod ang batas, sana ay tinanggap ninyo ako, sapagkat ako ang siyang nagbigay ng batas.

20 Hindi ko kayo tinatanggap sa inyong pagbibinyag, sapagkat kayo ay walang pakikinabangan dito.

21 Sapagkat sa pagdating nang yaong bago, ang luma ay handa nang isantabi.