Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Mateo 27


PJS, Mateo 27:3–6 (ihambing sa Mateo 27:3–5; Mga Gawa 1:18)

(Inilarawan ang kamatayan ni Judas.)

3 Nang magkagayon si Judas, na nagkanulo sa kanya, pagkakitang siya ay nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlumpung piraso ng mga pilak sa mga punong saserdote at elder.

4 Na sinasabi, Nagkasala ako sa aking pagkakanulo sa dugo ng walang sala.

5 At kanilang sinabi sa kanya, Ano sa amin? Ikaw ang bahala niyan; sa iyo ang pagkakasala.

6 At kanyang itinapon ang mga piraso ng pilak sa templo, at lumisan, at ibinigti ang sarili sa isang puno. At kapagdaka siya ay nahulog, at sumambulat ang laman ng kanyang tiyan, at siya ay namatay.