Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Mateo 6


PJS, Mateo 6:14 (ihambing sa Mateo 6:13; gayon ding mga pagbabago ang ginawa sa Lucas 11:4)

(Hindi tayo aakayin ng Panginoon sa mga tukso.)

14 At huwag mo kaming hayaang maakay ng tukso, sa halip iligtas kami sa masama.

PJS, Mateo 6:22 (ihambing sa Mateo 6:22)

(Kung tapat ang ating mga mata sa kaluwalhatian ng Diyos, ang ating buong katawan ay mapupuspos ng liwanag.)

22 Ang ilawan ng katawan ay mata; kung tapat nga ang iyong mata sa kaluwalhatian ng Diyos, ang buong katawan mo ay mapupuspos ng liwanag.

PJS, Mateo 6:38 (ihambing sa Mateo 6:33)

(Atin munang unang hangaring itatag ang kaharian ng Diyos.)

38 Kaya nga, huwag hanapin ang mga bagay ng daigdig na ito sa halip inyo munang hangaring itatag ang kaharian ng Diyos, at pagtibayin ang kanyang katwiran, at ang lahat ng bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.