Para sa Lakas ng mga Kabataan
Itigil ang Pagkukumpara! Sapat Ka na
Enero 2024


“Itigil ang Pagkukumpara! Sapat na ang Iyong Kabutihan,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Ene. 2024.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

1 Nephi 27

Itigil ang Pagkukumpara! Sapat Ka na

Narito ang apat na bagay na matututuhan natin mula sa isa sa mga kuya ni Nephi.

Larawan
mga barbel

Mga larawang-guhit ni Corey Egbert

May isang estudyante sa klase na palaging alam ang tamang sagot. Ang bata sa basketball team na laging mas magaling mag-shoot kaysa sa iyo. Ang taong gusto ng lahat na maging kaibigan. Sa mundo ng mga pagkukumpara, parang laging may isang taong mas magaling.

Ang mga pagkukumpara ay maaaring mas mahirap pagdating sa pamumuhay ng ebanghelyo. Maaari mong isipin na ang iba ay mas matwid, mas malakas ang patotoo, o mas malinaw na nadarama ang Espiritu kaysa sa iyo. Pero ang pagkukumpara ng iyong sarili nang ganito ay hindi nakakatulong.

Mula sa Aklat ni Mormon, malamang ay alam mo nang si Nephi ay isang magaling na pinuno at propeta. Pero gaano ang alam mo tungkol sa matapat na kuya ni Nephi na si Sam? Hindi siya isang pinuno o propeta na tulad ni Nephi, pero hindi niya kinailangang maging katulad ni Nephi para maging sapat ang kabutihan.

Larawan
mga lalaking nagdarasal

1. Si Sam ay Naniwala

Nanalangin si Nephi at nakatanggap ng sagot para sa kanyang sarili na inutusan ng Panginoon ang kanilang pamilya na umalis papunta sa ilang. At si Sam ay “naniwala sa [mga salita ni Nephi]” (tingnan sa 1 Nephi 2:16–17). Maaaring hindi nagkaroon ng perpektong patotoo si Sam. Maaaring may mga tanong siya. Pero pinili niyang maniwala sa mga salita ng kanyang kapatid, at pagkatapos ay kumilos siya ayon sa kanyang mga paniniwala. Huwag ikumpara ang iyong pananampalataya o patotoo sa ibang tao. Kapag kumilos ka nang may pananampalataya tulad ni Sam, unti-unting lalago ang iyong patotoo tungkol sa Tagapagligtas. (Tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 46:13–14; Alma 32.)

Larawan
mga lalaking nag-uusap

2. Si Sam ay Mapagpakumbaba

Sina Laman at Lemuel ay hindi masaya na ang nakababata nilang kapatid na si Nephi ay naging pinuno nila. Pero si Sam, na kuya rin ni Nephi, ay naging mapagpakumbaba. Nakinig siya kay Nephi at sumunod sa payo nito (tingnan sa 2 Nephi 5:3–6). Kung hinihilingan ang ibang nasa paligid mo na mamuno at ikaw ay hindi, maging mapagpakumbaba, at huwag magkumpara. Suportahan sila, matuto mula sa kanila, at gawin ang lahat para piliin ang tama.

Larawan
dalawang lalaking galit sa isa pang lalaki

3. Si Sam ay Mapagpasensya

Tila lahat ng nasa paligid mo ay perpekto ang buhay, pero lahat ay dumaranas ng mahihirap na panahon. Hindi eksepsyon si Sam. Kinalaban nina Laman at Lemuel si Sam, tulad ng pagkalaban nila kay Nephi. Hinampas pa nila ng pamalo si Sam, tulad ng pagpalo nila kay Nephi! (Tingnan sa 1 Nephi 3:28; 1 Nephi 7:6.) Pero buong pagpapasensyang tiniis ni Sam ang kanyang mga pagsubok. Ang pagdaan sa mahihirap na panahon ay hindi nangangahulugan na may ginagawa kang mali. Huwag ikumpara ang iyong mga pagsubok sa mga pagsubok ng iba. Maging mapagpasensya, at magtiwala sa Panginoon. Tutulungan ka Niyang malagpasan ito.

Larawan
lalaki

4. Si Sam ay Pinagpala

Sinabi ng ama ni Sam na si Lehi sa kanya, “Ikaw ay pagpapalain sa lahat ng iyong mga araw” (2 Nephi 4:11). Maaaring si Sam ay hindi naging isang pinuno o propeta, pero tapat pa rin niyang sinunod si Jesucristo, at pinagpala siya dahil dito. Sa tulong ng Tagapagligtas, naging sapat ang kanyang kabutihan. At maaari ka ring magkagayon.