2010
Ipinakikilala ang Inyong Bagong Liahona
Enero 2010


Ipinakikilala ang Inyong Bagong Liahona

Isang masayang pagbati sa inyo! Samahan ninyo kami sa pagsasaya sa bagong disenyo at isinulat na Liahona. Alam namin na mahal ninyo ang dating Liahona, pero panahon na para gumawa ng ilang pagbabago.

Una, mapapansin ninyo na ang bandang gitna ng magasin ay wala nang mga paningit sa loob ng mga paningit. Ang mga balita at mga pahinang pambata ay inilipat sa bandang hulihan ng magasin.

Anuman ang nais ninyo sa isang magasin mula sa Simbahan, sa palagay namin ay makikita ninyo rito. Kung gusto ninyo ng mas mahaba, mahahalagang artikulo, may makikita kayong ilang mapag-iisipan na mapagpipilian ninyo. Pero kung kaunti lang ang oras ninyo at gusto lang ninyong pahapyaw na mabasa ito, magagawa rin ninyo iyan.

Sa buong isyu makakakita kayo ng ilang bagong bahagi, na malinaw na para sa mga bata, kabataan, at young adult. Kung kayo ay bagong miyembro sa Simbahan, marahil gugustuhin ninyong basahin ang mga kaalaman tungkol sa batayang doktrina at mga gawain ng Simbahan (tingnan sa Ang Ating Paniniwala, pahina 14). Kung kayo ay isang guro o lider o magulang, makakakita kayo ng mga pahiwatig na makakatulong sa inyo sa paglilingkod sa mga taong mahal ninyo (tingnan sa mga pahina 13, 22, 26, at 36).

Isa sa mga pinakabagong aspeto nitong bagong Liahona ay ang sama-samang mga artikulo para sa matatanda na may suplementong mga materyal para sa mga kabataan at mga bata—at gayundin naman sa mga bata at kabataan. Makikita ninyo iyan lalo na sa Mensahe ng Unang Panguluhan.

May iba pang pagbabago na hindi gaanong mapupuna. Hinihikayat namin kayo na hanapin ang mga ito sa pagsisiyasat ninyo sa isyung ito. Ang lahat ay nilayon para tulungan kayo na madama ang Espiritu at mas makilala ang ating Ama sa Langit at ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Sila ang tunay na pinagmumulan ng inspirasyon para sa Liahona.

—Ang mga patnugot

P.S. Maaari bang humingi ng pabor? Ipaalam ninyo sa amin ang inyong palagay sa inyong bagong Liahona. I-e-mail sa amin sa liahona@ldschurch.org (mangyaring ilagay ang “New Liahona” sa subject line), o sumulat sa:

Liahona, Rm. 2420

50 E. North Temple St.

Salt Lake City, UT 84150-0024, USA