2010
Pagpasok sa Isang Magandang Lugar
Abril 2010


Pagpasok sa Isang Magandang Lugar

Joanna Velayo-Munda, Philippines

Bago ako naging miyembro ng Simbahan, nakatira ako malapit sa Manila Philippines Temple. Tuwing daraan ako rito, namamangha ako sa karingalan ng magandang gusali. Hindi ko nakikita ang pangalan ng Simbahan, pero gusto kong makapasok sa lugar na iyon.

Pagkaraan ng ilang taon nagpunta ako sa Hawaii, kung saan nakilala ko ang mga misyonero at nabinyagan ako. Pagbalik ko sa Maynila, nagulat akong malaman na ang gusaling noon ko pa gustong pasukin ay maaari kong mapasok kung ako ay karapat-dapat. Tuwang-tuwa ako.

Nang makapasok ako sa templo, nadama kong parang nakaangat ako sa lupa. Lahat ay maganda, halos parang langit. Mapalad ako na nagkaroon ako ng pribilehiyong makapasok sa templo.