2010
Sinusunod Ko si Jesucristo Dahil Mahal Ko Siya
Setyembre 2010


Oras ng Pagbabahagi

Sinusunod Ko si Jesucristo Dahil Mahal Ko Siya

Madarama mo ang pagmamahal sa iyo ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kailan mo nadarama ang pagmamahal ng Tagapagligtas? Kapag nagdarasal ka o nagbabasa ng mga banal na kasulatan o kumakanta ng awitin sa Primary? Nadarama mo ba ang Kanyang pagmamahal kapag nakikibahagi ka ng sacrament? Ano ang nangyayari kapag nadarama mo ang pagmamahal na ito? Nag-aalab ba ang puso mo? Nakadarama ka ba ng kapayapaan? Kapag nadarama natin ang pagmamahal ng Tagapagligtas, gusto nating ipakita ang pagmamahal natin sa Kanya.

Ang banal na kasulatan sa buwang ito ay nagtuturo sa atin na maipapakita natin ang ating pagmamahal sa Diyos sa pagsunod sa Kanyang mga utos. Sa iyong journal tungkol sa mga banal na kasulatan, isulat ang ilan sa mga utos na alam mo kung paano sundin. Kapag sinusunod natin ang mga utos para ipakita ang ating pagmamahal sa Diyos, pinagpapala Niya tayo na higit na madama ang Kanyang pagmamahal.

Setyembre 2010 Journal Tungkol sa mga Banal na Kasulatan

Basahin ang Juan 14:15.

Manalangin sa Ama sa Langit na tulungan kang maipakita ang iyong pagmamahal sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod.

Isaulo ang Juan 14:15 at bigkasin ito sa iba.

Pumili ng isa sa mga aktibidad na ito o lumikha ng sariling iyo:

  • Tulungan ang isang tao na isaulo ang Juan 14:15.

  • Ang Sampung Utos ay matatagpuan sa Exodo 20:3–17. Basahin ang mga talatang iyon; pagkatapos ay punan ng drowing o ilang salita ang mga bato sa pahina 63 upang ipaliwanag ang bawat utos. Magtakda ng mithiing sundin ang isa sa mga utos nang mas masigasig sa susunod na linggo.

  • Kausapin ang mga magulang mo o guro sa Primary kung kailan nila nadama ang Espiritu Santo at nalaman na mahal sila ng Tagapagligtas.

  • Alalahanin ang mga panahon na nadama mo ang pagmamahal ng Tagapagligtas at isulat ito sa iyong journal.

Paano nakakatulong ang nagawa mo para maunawaan mo ang Juan 14:15?

Magsulat sa iyong journal o magdrowing ng isang larawan tungkol sa nagawa mo.

Kaliwa: paglalarawan ni James Johnson; kanan: paglalarawan ni Scott Greer